Inatasan ng NTC ang Swara Sug Media Corporation, na mas kilala bilang Sonshine Media Network International (SMNI), na itigil ang kanilang operasyon matapos nitong suwayin ang unang suspension order na ipinataw ng ahensiya dahil sa umano’y paglabag sa prangkisa nito.
Sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na nakasaad sa kautusan, na may petsang Enero 18, ay nagsasaad na sa kabila ng pagtanggap ng SMNI ng 30-araw na suspension order noong Disyembre 21, nagpapatuloy ang pag-ere ng ahensya sa mga programa nito, partikular sa Region IV hanggang noong Disyembre 27, 2023.
Sinabi rin ng NTC na hindi pa nagsusumite ang SMNI ng tugon nito sa 30-araw na suspension order sa kabila ng pagbibigay ng extension hanggang Enero 15. Sa halip, naghain ang kumpanya ng mosyon for bill of particular noong Enero 11, na ibinasura ng ahensiya noong ika-16.
Sinabihan ang SMNI na cease at desist operating ng mga istasyon ng radyo at telebisyon nito habang nakabinbin ang pagdinig at pinal na konsiderasyon ng administrative case nito sa NTC. Binigyan din ito ng 15 araw para magsumite ng paliwanag kung bakit nabigo itong sumunod sa suspension order noong Disyembre.