Hindi maitago ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang kanyang pagkadismaya sa pahayag ni dating senador Antonio Trillanes IV na nakapasok sa bansa ang mga kinatawan ng International Criminal Court (ICC) at palihim na nagsagawa ng imbestigasyon sa mga umano’y crimes against humanity noong termino ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
“Dapat usapang lalaki. Kung gusto n’yong imbestigahan kami, gusto n’yo kaming makulong, sabihan n’yo kami ng harap-harapan,” pahayag ni dela Rosa sa isang press conference sa Senado ngayong Lunes, Enero 22.
Bagamat walang opisyal na kumpirmasyon mula sa Malacanang, sinabi Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na handa nitong harapin ang resulta ng imbestigasyon ng ICC kung saan ang puntirya nito ay ang sinasabing paglabag sa karapatang pantao sa ipinatupad na “drug war” ni Duterte.
Sakaling magkatutuo ang ibinalita ni Trillanes, sinabi ni dela Rosa magko-cooperate sila sa ICC sa isang kondisyon: Kung kikilalanin ng administrasyong Marcos ang isinagawang imbestigasyon nito hinggil sa naturang isyu.
Bagamat wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa Malacanang, sinabi dela Rosa na handa nitong harapin ang resulta ng imbestigasyon ng ICC kung saan ang puntirya nito ay ang sinasabing paglabag sa karapatang pantao sa ipinatupad na “drug war” ni Duterte.
Sakaling magkatutuo ang ibinalita ni Trillanes, sinabi ni dela Rosa magko-cooperate sila sa ICC sa isang kondisyon: Kung kikilalanin ng administrasyong Marcos ang isinagawang imbestigasyon nito hinggil sa naturang isyu.