Aminado si Philippine Coast Guard (PCG) spokesman for the West Philippine Sea (WPS) issue na hirap ang kanilang hukbo sa pagbabantay ng territorial waters ng bansa, lalo na sa Bajo de Masinlod kung saan mayroon na namang Pinoy fishermen na biktima ng pambu-bully ng China Coast Guard (CCG) noong Enero 12.
“For the meantime, we are arranging with the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) for us to have a complementing deployment,” sabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG on West Philippine Sea.
Ito ay matapos isapubliko ng PCG ang isang video kung saan makikita habang itinataboy ng CCG vessels ang maliliit na bangkang de motor ng mga Pinoy fishermen sa lugar. Bukod dito, ipinabalik rin ng CCG sa dagat ang mga nakuha shell fish ng mga mangingisdang Pinoy sa lugar.
Ginawa umano ito ng CCG sa kabila na ang Bajo de Masinloc ay isang traditional fishing grounds hindi lamang para sa mga Pinoy ngunit maging sa mga Vietnamese at Chinese na nagagawi sa lugar.
“There are instances wherein walang presensiya ang Philippine Coast Guard sa lugar, then ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang puwedeng humalili sa presence ng PCG,” giit ni Tarriela.