Inaprubahan na ng Philippine Competition Commission (PCC) ang pagbebenta ng broadband business Sky Cable sa Philippine Long Distance Telephone (PLDT).
Nakatanggap ang company ng Sky Cable ng pahintulot mula sa regulating agency nitong Biyernes, Enero 19.
“The proposed transaction is, however, still subject to a number of closing conditions,” ayon sa listed media company.
Kinasasangkutan ng deal, na inihayag noong Marso 2023, ang pagbenta ng lahat ng 1.38 bilyong common shares ng Sky Cable. Ang bawat share ay may halagang P4.9043, na batay sa napagkasunduang valuation ng equity ng kumpanya ng mga Lopez.
Ang deal ay makikita upang i-upgrade ang “overall customer experience through the combined expertise, resources and capabilities of PLDT and Sky,” saad ng PLDT.