Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Biyernes, Enero 19, na libu-libong trabaho ang maaaring mabuo mula sa pinalawak na petrochemical industry sa Batangas.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapasinaya ng pinalawak na pasilidad ng JG Summit Olefins Corporation, kung saan matatagpuan ang unang at natatanging naphtha cracker plant sa bansa.
“It is directly and indirectly employing 6,200 individuals. You are a major contributor to an industry that is forecasted to enrich our economy by P215 billion next year,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ipinagbunyi ng Pangulo ang mga produktong nakikinabang sa petrochemical industry tulad ng mga pagkain, damit, appliances, sasakyan at maging ang mga electronic gadgets.
Dahil dito, sinaluduhan ni PBBM ang negosyanteng si John Gokongwei Jr. na nasa likod ng malaking petrochem company na ipinagmamalaking “cutting edge technology” na pakikinabangan ng mga Pilipinong manggagawa.