Nagpapatuloy pa rin ang Diplomatic negotiations para sa pagpapalaya sa 17 Filipino seafarers na tinangay na hostage sa karagatan malapit sa Yemen noong Nobyembre, sabi ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ang mga tripulante ay sakay ng isang Galaxy Leader Ship nang i-hijack ng isang grupo ng mga rebeldeng Houthi ang barko sa baybayin ng Yemen.
“They are safe,” ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega. “As for the talks, it is still ongoing with friendly countries.”
Sinabi ng opisyal ng DFA na tinutulungan din ng Oman, Qatar, at Japan ang negosasyon para sa pagpapalaya ng mga marino.