Nag-post ang YouTube sensation na si MrBeast ng isang video sa social media platform X sa unang pagkakataon, na dati nang sinabi na kahit isang “billion views” ay hindi ito magiging sulit sa kanya.

“I’m curious how much ad revenue a video on X would make so I’m reuploading this to test it. Will share ad rev next week,” sabi ng American YouTube sensation na si MrBeast.

Makikita sa video na si MrBeast at ang mga kaibigan na ng-test out ng flashy sports cars, ay nagkaroon ng halos 50 milyong view sa loob lamang ng 14 na oras pagkatapos mai-post.

Si Jimmy Donaldson o mas kilalang si MrBeast, ay ang pinakasikat na YouTuber sa mundo na may higit sa 230 milyong mga subscriber.

“First MrBeast video posted directly on 𝕏!” repost ng CEO ng X na si Elon Musk.