Nagbigay ng tulong pinansyal ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mahigit 100 overseas Filipino worker (OFWs) sa New Zealand na nawalan ng trabaho matapos isara ang kumpanyang kanilang pinagtatrabahuan.
Sa Saturday News Forum sa Quezon City, sinabi ni DMW Undersecretary for Policy and International Cooperation Patricia Yvonne Caunan na ang unang 107 eligible recipients ay nabigyan ng 1,050 New Zealand dollars (NZ$) o mahigit P36,000 na cash aid.
Mahigit 700 OFW sa Christchurch, New Zealand, ang biglang nawalan ng trabaho nang isara ang ELE apat na araw bago ang Pasko.
Ang ELE ay inilarawan ng gobyerno ng New Zealand bilang isang “skilled labor hire agency sa construction at manufacturing sector.”
Una nang nangako ang kumpanya na babayaran ang mga empleyado ng kanilang natitirang suweldo, ngunit walang balita kung kailan ito mangyayari.
Ulat ni Henry Santos