(Photo courtesy by Calauag LGU)
Nasunog ang isang ambulansya ng lokal na pamahalaan ng Calauag, Quezon matapos masunog nang tamaan ng kidlat noong Biyernes, Hulyo 28.
Kuwento ng information officer ng Calauag municipal government na si Julius Laman, kagagaling lamang sa medical mission ang naturang ambulansiya nang mangyari ang insidente.
Aniya, bandang alas-5 ng hapon saglit na ipinarada ng driver ang sasakyan sa Poblacion para bumili ng pagkain nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, kasabay ang sunud-sunod na matatalim na kislap ng kidlat. Matapos ng ilang minuto nang balikan ng driver ang ambulansiya, nakita niya na nagliliyab na ang sasakyan.
Salaysay ng mga nakasaksi, unang tumama ang kidlat sa puno bago napuruhan ang bubong ng ambulansya.
Agad na rumesponde ang mga bumbero at inapula ang apoy. Wala namang nasaktan sa insidente dahil abala na ang medical personel nasa medical mission.
Samantala, bukod sa ambulansya dalawang classroom din sa Quezon Province ang nasunog matapos tamaan din ng kidlat, ayon sa ulat.