Itinalaga ang kada araw ng Biyernes ng c bilang “Catch-up Fridays” upang mapabuti ang abilidad sa pagbabasa ng mga mag-aaral, sinabi ng DepEd nitong, Huwebes, Enero 11.
Simula sa Enero 12, 2024, ipatutupad ng DepEd ang “Catch-up Fridays” sa lahat ng public elementary at high school, at community learning centers sa buong bansa para maitaas ang akademikong performance ng mga mag-aaral sa K to 12 Basic Education Program.
Tuwing Biyernes sa Enero 202 ay magkakaroon ng mga aktibidad at orientation na Drop Everything and Read (DEAR) para sa mga field officials, batay sa memorandum na nilagdaan ni DepEd Undersecretary Gina Gonong.
Ang DEAR ay kabilang sa mga diskarte sa pagbabasa ng ahensya na magbibigay-daan sa mga mag-aaral na magsarili at tahimik na magbasa ng mga piling libro na kanilang pinili.
Ito ay matapos utusan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang DepEd na magsumikap sa pagpapabuti ng performance ng bansa batay sa Program for International Student Assessment (PISA).
Ulat ni Henry Santos