Napili na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si House Deputy Speaker Ralph Recto bilang bagong kalihim ng Department of Finance (DOF) at nakatakda na itong manumpa sa Biyernes, Enero 12.

Ito ang kinumpirma sa GMA Integrated News ng asawa ni Recto na si dating Batangas 6th District Representative Vilma Santos-Recto, ngayong Huwebes, Enero 11.

“Manunumpa na sya tomorrow, January 12, bilang bagong (He will be sworn on January 12 as the new) Secretary of Finance under the Administration of [President Marcos]. Kasi binigyan sya ng tiwala (He was given the trust) because he is such a good economist,” sabi ni Vilma.

Nakatakdang palitan ni Recto sa puwesto si Benjamin Diokno, na nasa administrasyong Marcos sa halos 19 na buwan mula nang maupo si PBBM sa Malacanang.

Umiikot ang espekulasyon mula noong nakaraang taon na si Recto ay nakahanda nang umakyat bilang Finance chief.