Dapat hindi bumaba sa P7,000 kada araw ang kailangang kitain ng driver ng public utility vehicle para makabawi sa P1.6 milyon hanggang P2.4 milyon na biniling modern jeepney.
“How much would the base fare of the commuters be so that drivers meet the requirement of P7,000 per day, more or less?”ayon kay 1-Rider party-list Rep. Bonifacio Bosita.
Sa pagdinig ng House committee on transportation nitong Miyerkules, Enero 10, iginiit ni 1-Rider Party-list Rep. Bonifacio Bosita na malinaw na hindi kayang bayaran ng mga jeepney driver ang pagbabayad ng utang sa mga modernong jeep.
Sinabi ni Bosita na kailangang tumabo ang mga driver ng P4,000 hanggang P5,000 sa pasahe kada araw, mas mababa ang pangangailangang kumita para sa kanilang kabuhayan na P1,500 hanggang P2,000 kada araw.
Batay sa pagaaral ng kongresista, posibleng tumaas ang base fare mula P30 hanggang P40 para lang mabayaran ng mga driver ang modern jeepney.