Hinirang ang Filipino basketball player na si Dwight Ramos bilang team captain ng Asia All-Stars team sa Asia Rising Star event sa gaganaping Japan B.League All-Star Weekend sa Okinawa sa Enero 12-14.

Pangungunahan ni Dwight Ramos ang kanyang kapwa Pinoy imports, kasama ang pitong iba pang Asians, sa event na makakasagupa ang mga young stars ng Japanese league.

Makakasama ng Levanga Hokkaido guard sina RJ Abarrientos, magkapatid na Thirdy at Kiefer Ravena, Ray Parks, Jr., Matthew Wright, Kai Sotto, Carl Tamayo, Roosevelt Adams, at Greg Slaughter sa koponan.

Si Ramos, sa kanyang ikatlong season ng B.League — pangalawa sa Hokkaido, ay hindi nakasama sa All-Star noong nakaraang taon dahil sa kanyang ankle injury nang talunin ng Asia All-Stars ang Rising Stars,