Nagkasundo ang gobyerno Pilipinas at Indonesia na palakasin ang kooperasyon sa sektor ng enerhiya, lalo na kapag tumama ang panahon ng matinding kakapusan nito.
Ito ay matapos lagdaan nila Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Indonesian President Joko Widodo ang isang memorandum of understanding sa pagpapalakas ng kooperasyon sa pagtaguyod ng energy sector sa kani-kanilang bansa.
“Through this MOU (Memorandum of Understanding), our country creates a new synergy as we cooperate to achieve energy security,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Samantala, inhayag ni Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla na ito ay bahagi ng mga hakbang ng administrasyong Marcos na palakasin ang energy security ng bansa sa pamamagitan ng “energy diplomacy.”
“Both parties agreed to facilitate cooperation between their respective business sectors, particularly during periods of critical supply constraints on energy commodities such as coal and liquefied natural gas,” ayon kay Lotilla.
Tinalakay ng dalawang lider ang pagtutulungan sa energy transition na kinabibilangan ng renewable energy, demand-side management, electric vehicles at paggamit ng alternative fuels tulad ng hydrogen, ammonia at biofuels.