Muling iginiit ng isang opisyal ng Department of Transporation (DOTr) Office of Transportation Cooperatives (OTC) ngayong Miyerkules, Enero 10, na hindi inoobliga ng gobyerno ang mga kooperatiba na kalahok sa PUV modernization program na bumili lamang ng mga modernong jeepney na made in China.
“Sa parte ng DOTR, dito sa akin sa OTC, we never said na dapat made in China. Lagi po naming sinasabi, nasa kamay ng mga kooperatiba, ng mga korporasyon, ang pamimili ng modern vehicles. It’s their choice, maraming choices,” sabi ni Jesus Ferdinand Ortega Jr., chairman ng Dpartment of Transportation (DOTr) Office of Transportation Cooperatives (OTC).
Nauna nang inatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang House Committee on Transportation na agad na tingnan ang mga ulat na maaaring nabahiran ng corruption ang conceptualization at planned implementation ng PUV modernization program.
“The reports allege that existing transport officials are in cahoots with previous officials in negotiating for the imported modern jeepney units that will replace the old units,” ayon kay House Speaker Martin Romualdez.
Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Martes, Enero 9, na hindi nito maaaring diktahan ang tatak o modelo ng jeepney units na kukunin ng mga kooperatiba at operator bilang pagsunod sa PUV modernization program ng gobyerno.