Itinanggi ni Leyte Rep. Richard Gomez na inalok ng tig-₱20-million umano ang mga kongresista upang simulan ang signature campaign para sa People’s Initiative upang maamiyendahan ang Konstitusyon.

Ayon kay Rep. Gomez, hindi na kailangan ang suhol pagdating sa pagsusulong ng Constitutional reforms dahil ito ay para sa ikakabuti ng ekonomiya at buhay ng mga Pilipino.

Handa rin umano si Gomez na manguna sa Charter Change (cha-cha) sakaling atasan upang mas makahikayat pa ng foreign investments at maisaayos ang bureaucratic processes para maging business-friendly ang bansa.

Maari narin umanong isama sa cha-cha ang ibang mahahalagang isyu gaya ng political dynasties, korapsyon, at pagprotekta sa karapatang-pantao sakaling babaguhin ang Saligang Batas.