Hindi napigil si Albay 1st District Rep. Edcel Lagman na kuwestiyunin ang biglang paglobo ng pondo ng Commission on Elections para sa pagsasagawa ng plebisito na may kinalaman sa pagaamiyenda ng 1987 Constitution.
Ito ay matapos sitahin ni Rep. Edcel Lagman ang bicameral conference committee insertion na aabot ng P12 bilyon sa 2024 budget ng Commission on Elections (Comelec).
Aniya, ang naturang halaga ay gagamitin ng poll body sa pagsasagawa ng plebiscite at referendum para sa charter change na isinusulong ng liderato ng Kamara.
Habang ito ay nangyayari, sinimulan naman ng ilang mambabatas ang pangangalap ng lagda mula sa iba’t ibang lugar bilang bahagi ng “people’s initiative drive” na maamiyendahan ang 1987 Constituion na may dimuano’y may kasamang P100 suhol.
Sinabi ni Lagman na nabuking ang diumano’y panunuhol sa signature drive ay nabuking matapos kumanta ang tatlong alkalde sa Bicol na hindi pabor sa cha-cha.
Aminado si Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr na nagsimula na ang pangongolekta ng lagda mula sa mga residente ng Albay para sa isinusulong na charter change (cha-cha) via people’s initiative.
Sa panayam ng programang “The Source” ng CNN Philippines, nakibahagi ang mga lokal na opisyal ng lalawigan sa pangangalap ng lagda sa mga residente matapos siyang maimbitahan bilang resource speaker upang ipaliwanag sa mga komunidad ang benepisyo na kanilang makukuha sa cha-cha.
Si Garbin ay dating chairman ng House Committee on Constitutional Amendments.
Isinusulong ng Kamara ang cha-cha sa kabila ng mariing pagtutol ng Senado hinggil sa naturang hakbang.