Inilabas ng Pulse Asia ang bagong survey nito ngayong Lunes, Enero 8, kung saan lumitaw na 72 porsiyento ng mga Pinoy ang nagsabing ang istratehiya ng administrasyong Marcos upang makontrol ang inflation rate ang kanilang numero unong inaalala sa kasalukuyan.
“The national administration posts its only majority disapproval rating (73%) on the issue of controlling inflation, the single issue identified as urgent by most adults in the country (72%),” ayon sa pinakahuling Pulse Asia survey.
Ang survey, ayon sa Pulse Asia, ay isinagawa nitong Disyembre ng nakaraang taon.
Tanging siyam porsiyento lamang ng mga respondents ang sumang-ayon sa mga pagsisikap ng gobyerno para kontrolin ang inflation rate, subalit karamihan sa kanila ay hindi pabor sa mga hakbang nito.
Ang mga sumusunod na pangunahing alalahanin ng mga Pilipino:
- Controlling inflation: 72 porsiyento
- Increasing worker salary: 40 porsiyento
- Job creation: 28 porsiyento
- Poverty reduction: 25 porsiyento