Ayon sa pinakahuling ulat ng PSA, na nagtala ng pagbagal ang inflation rate sa bansa na nasa 3.9 porsiyento nitong Disyembre kumapara sa 4.1 porsiyento noong Nobyembre 2023.
Ang inflation rate ng Disyembre ay nasa 3.6 porsiyento hanggang 4.4 porsiyento forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa naturang buwan, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Napanatili ng BSP ang benchmark na target na reverse repurchase rate (RRP) sa 6.5 porsiyento sa kanilang pagpupulong noong Disyembre.
Sinabi ni BSP Gobernador Eli Remolona Jr. na malamang na hindi mababawasan ang mga interest rates habang ang inflation ay nananatiling nasa itaas ng target range.