Palalakasin ng Maynilad Water Services Inc. nang 28 porsiyento ang kapasidad nito sa pag-iimbak ng tubig sa pamamagitan ng pagpapatayo ng apat na bagong water reservoir sa susunod na tatlong taon.
Ipinaliwanag ng Maynilad, bahagi ng MVP Group of Companies ni Manny V. Pangilinan, ang plano nitong dagdagan ang kabuuang water storage capacity hanggang 962 milyong litro sa taong 2026, na may inaasahang dagdag na 211ML.
Ang mga reservoir ay matatagpuan sa Quezon City, Valenzuela City, at Muntinlupa City at naglalayong mapalakas ang supply at pressure para sa mga customer na nakatira sa matataas na lugar.
Ang mga reservoir ay nagkakahalaga ng P2.8 bilyon, na bahagi ng P220-bilyong service enhancement program ng Maynilad para sa 2023 hanggang 2027.
“Having more reservoirs will help to maintain supply availability despite strong water withdrawals from households in low-lying areas, so we’re building more of these storage facilities in strategic locations,” ayon kay Maynilad Chief Operating Officer (COO) Randolph Estrellado.