Mahigit sa 80,000 trabaho ang naghihintay sa foreign workers sa Taiwan, kinumpirma ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) at Taipei Economic Cultural Office (TECO).
“We need more English teachers and many Filipinos already went to Taiwan to be English teachers,” ayon kay TECO Representative Wallace Chow.
Ang mga aplikante ay dapat graduates na may lisensiya na makapagturo mula sa Professional Regulation Commission (PRC).
Ang usapin ay pinag-usapan ng dalawang bansa nang pormal na mag-donate ang Taiwan ng 2,000 metriko toneladang bigas sa Pilipinas.
Minaliit din ng TECO ang pinakahuling pahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina tungkol sa Taiwan kung saan idineklara niyang “inevitable” ang muling pagsasama-sama ng estadong pinamamahalaan ng demokratiko sa China.
“Although they never renounced the use of force, that would be their last resort. I think they will try very hard to attract our people to agree to reunify with China, but I think the first step for them [is] maybe they should become a democratic country,” sabi pa ni Chow.
Bukod dito, ang buwanang minimum na sahod sa Taiwan ay itinaas din ng halos P2,000, na gumagawa ng hindi bababa sa P50,000 bawat buwan.
Nasa 120,000 Filipino factory worker umano ang makikinabang sa pagtaas ng sahod sa Taiwan.