Isang American teeanager ang tumalo sa classic game na “Tetris”, na nagresulta sa isang game-ending glitch bilang unang tao na nagawa ito maliban sa artificial intelligence (AI).
Si Willis Gibson, isang competitive gamer na kilala bilang “blue scuti,” ang unang tao na umabot sa “kill screen” ng Nintendo version ng puzzle game na Tetris. Sinundan ng ibang manlalaro ang kanyang tagumpay.
“Oh my God!” Paulit-ulit na sigaw ni Willis sa kanyang 40-minute video na ina-upload sa YouTube.
“I can’t feel my fingers,” dagdag pa ni Willis.
Ang emosyon ay lubos na naiiba sa naunang 35 minuto ng gameplay kung saan si Willis, mula sa Oklahoma, ay halos hindi gumagalaw habang mabilis na ini-scroll ang kanyang mga daliri sa isang controller.
Binibigyang-diin din nito ang malaking tagumpay na ito para sa isang komunidad ng mga mahilig sa parehong online at personal na mga paligsahan.
“It’s never been done by a human before,” ayon kay Classic Tetris World Championship president Vince Clemente.
“It’s basically something that everyone thought was impossible until a couple of years ago.”
Ulat ni April Steven Nueva España