Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang dalawang American sex offenders sa kanyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Enero 1 mula Estados Unidos.
Sa isang kalatas, kinilala ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang pasahero na si Zachary Tyler Thompson, 39-anyos, na dumating sa NAIA lulan ng Philippine Airlines mula Los Angeles.
Si Thompson ay sinintensiyahan ng korte noong 2013 at 2015 dahil sa pangangalaga ng obscene materials kung saan ipinapakita nito ang kanyang ginawang pangmomolestiya sa mga menor de edad.
Samantala, hindi ring pinayagang makapasok ng bansa si Paul Neal Coltharp na dumating sa NAIA sakay ng Eva Air mula Taipei.
Ayon sa US government, sinintensiyahan si Coltharp ng child molestation noong 1998 kung saan ang biktima nito ay isang 14-anyos na dalagita.
Agad na ipinatapon si Thompson at Coltharp ng BI authorities pabalik ng Amerika dahil itinuturing itong “excludable aliens” na hindi maaaring makapasok sa bansa matapos sintensiyahan ng korte sa criminal offense.