Sinabi ng Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules, Enero 3, na maaaring lumipat ang mga estudyante sa senior high school (SHS) mula sa mga State Universities and Colleges (SUC) at Local Universities and Colleges (LUC) sa mga pampublikong paaralan na nag-aalok ng basic education.
Ito ay kasunod ng memorandum ng Commission on Higher Education (CHED) na nagpatigil sa SHS program sa mga nabanggit na institusyon.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary at Spokesperson Michael Poa, hindi apektado ng direktiba ng CHED ang mga estudyante na tumatanggap ng SHS voucher program dahil wala nang Grade 11 voucher recipients na naka-enroll sa mga SUCs at LUCs para sa School Year 2023-2024.
Idinagdag pa ni Poa na ang voucher application system ay hindi na tumatanggap ng aplikante para sa Grade 11 sa mga paaralang itinukoy bilang SUCs at LUCs.
“Nonetheless, based on the reports of our Regional Directors, our public schools will be able to accommodate those that may be displaced. May mga regions din po na wala nang SHS learners sa mga SUCs and LUCs,” saad ni Poa.