Sa isang privilege speech sa Senado nitong Miyerkules, Marso 11, ibinahagi ni Sen. Bong Go na bagama’t isang taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, iginiit niya na “parang kahapon lamang nangyari ang lahat.”

“Exactly today… March 11, 2025.. one of the saddest days in our history. It was a day when emotions ran high across our country, a day when millions watched in disbelief as former President Rodrigo Duterte was taken and brought in The Hague,” saad ni Go.

“Hanggang ngayon po, ang kalungkutan at pangungulila ay nananatili pa rin sa puso ng maraming nating mga kababayan. One year has passed, yet the emotions remain as vivid as ever,” sabi pa niya.

Dagdag niya, ang nangyari kay Digong ay hindi dapat mangyari sa kung sino mang Pilipino, “regardless of position, influence, or political affiliation.”

“What is at stake here is our sovereignty and judicial independence as a sovereign nation and the dignity of every Filipino,” ani Go.

Ulat ni Jilliane Libunao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *