Sa ginanap na Senate session nitong Martes, Marso 10, umalma si Sen. Rodante Marcoleta sa pahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III tungkol sa pag-imbita sa 18 nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marines sa Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Sotto, dahil sa kasong cyber libel na isinampa laban sa mga indibidwal, kailangan munang ikonsulta ang Committee on Rules para malaman kung ano ang susunod na hakbang.

Reklamo naman ni Marcoleta, tila ginagamit na dahilan ang kinakaharap na kaso ng mga indibidwal para hindi na sila sumipot sa pagdinig ng komite.

Samanatala, iginiit ni Sotto na mas mabuting ang Committee on Rules—kung saan miyembro rin si Marcoleta—ang mismong magdesisyon tungkol dito.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *