Simula nitong Martes, Enero 2, muling magbibigay ng mga Guarantee Letter (GL) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito’y matapos suspendihin ito ng ilang linggo noong Disyembre habang ipinoproseso ang liquidation ng kanilang pondo sa taong 2023.
Pansamantalang sinususpinde naman ang outright cash assistance base sa alituntunin ng Department of Budget and Management (DBM) na naaayon sa umiiral na batas.
Sinususpinde ito ng ahensya tuwing simula ng fiscal year habang hinihintay ang pag-download sa pondo ng DSWD base sa probisyon ng General Appropriations Act (GAA).
Layunin ng AICS program ang makapagbigay ng komprehensibong tulong sa mga lubos na nangangailangan kabilang ang cash assistance para sa pagkain, transportation, medical services, at gastusin sa libing.