Posibleng maglabas ng kumpirmasyon ang Malacañang ngayong Biyernes, Marso 13, kaugnay sa mga ulat ng pagbibitiw ni Christina Frasco bilang kalihim ng Department of Tourism (DOT), ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro.

“Hindi ko puwedeng maunahan kung anong magiging anunsyo ng Pangulo, so hintayin na lang po natin. Mamaya, baka mayroon… Let us see,” saad ni Castro.

Kaugnay ito sa kumpirmasyon ng isang source ngayong Huwebes, Marso 12, tungkol sa pagbibitiw ni Frasco sa kanyang pwesto.

Ani Castro, mas mabuting abangan na lang ang opisyal na pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa halip na pangunahan ito.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *