(Photo courtesy by PAGASA)
Bumilis ang pagkilos subalit nanatili ang lakas ng tropical storm ‘Khanun’ na namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa inilabas ng update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 11:00 ng tanghali, huling namataan ang bagyo may 1,345 kilometro ang layo sa silangang bahagi ng Eastern Visayas.
Umakyat din sa 25 kilometro bawat oras ang bilis ni Khanun na may dalang lakas ng hangin na nasa 65 kilometro kada oras at pagbugsong 80 kilometro kada oras.
Papangalanang ‘Falcon’ ang bagong tropical storm sa sandaling pumasok na ito sa bansa sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.
Palalakasin din nito ang hanging habagat na magpapaulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas simula bukas, giit ng PAGASA.
—Baronesa Reyes