Nagpaabot ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga biktima ng magnitude 7.6 earthquake na tumama sa western Japan at kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 20 katao.
“We are deeply saddened to hear of the magnitude 7.6 earthquake in Japan on New Year’s Day. We are in close collaboration with the Japanese government to secure the welfare of our kababayans, who thankfully remain unharmed,” giit ng Punong Ehekutibo.
Sinabi ng mga lokal na opisyal ng Noto Peninsula, umabot na sa 20 ang kumpirmadong bilang ng mga nasawi matapos tumama ang magnitude 7.6 tremor na nagpatumba ng mga gusali at nagsanhi ng sunog sa maraming lugar.
Ayon sa ulat, mahigit 100 kabahayan at gusali sa Wajima ang natupok ng apoy na mabilis kumalat matapos ang malakas na lindol.
Sa isang live broadcast, iniulat din ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na nagdulot ng malawakang pinsala ang big quake kaya kinailangang magtatag ng task force upang mapabilis ang rescue at repair operations.
Agad namang naputol ang news conference ni Kishida nang muling maramdaman ang malakas na aftershock sa rehiyon.
“We have made the offer to assist in any way that we can. In the face of shared climate challenges within the Pacific Ring of Fire, we stand united with Japan and stay ready to provide support from the Philippines,” ayon kay Marcos.
Ayon sa ulat ng Philippine Embassy sa Japan, walang Pinoy na nasawi o nasaktan sa insidente na nagdulot din ng malawakang sunog sa ilang mga komunidad matapos bumagsak ang ilang gusali at imprastraktura, partikular sa Ishikawa at Toyama prefecture kung saan 1,194 Pinoy ang naninirahan.
“We are monitoring the employment situation of OFWs, especially in the Ishikawa and Toyama Prefectures. We will provide financial assistance to OFWs whose employment have been suspended or ceased due to the quake,” ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) acting secretary Hans Leo Cacdac.