Pinangangambahang aabot sa P50 ang pasahe sa jeepney kung magaganap ang pagpapalit ng traditional jeepney sa mga modernong Public Utility Vehicles (PUV) na ipinagpipilitan ng gobyerno, ayon sa isang samahan.
“Hindi malabo na mag-P50 at kung mag P50 siyempre aray ‘yun. Ano na kaibahan mo sa bus, sa LRT o MRT. Lahat na lang nagtataasan. ‘Yun ang masakit sa bulsa lalo na yung jeep na inaasahan ng masa pagdating sa mura,” ayon kay Commuters of the Philippines chairperson Julius Dalay.
Batay kay Commuters of the Philippines chairperson Julius Dalay, malaki ang posibilidad na makaapekto sa pasahe sa jeepney ang PUV modernization, lalo na’t mataas ang inaasahang buwanang bayad para mabayaran ng mga operator ang iniutang na modernong units.
“Wala namang may ayaw na maging modern o bago ang masasakyan mo. Ang question lang ay dapat i-timing, i-phasing,” sabi pa ni Dalay.