Sinimulan na ng SP New Energy Corporation (SPNEC) ni Manny V. Pangilinan ang “world’s largest solar project,” na itatayo sa 3,500 ektaryang lupain na sakop ng Bulacan at Nueva Ecija.
Ang solar project ay pangangasiwaan ng subsidiary ng SPNEC, ang Terra Solar Philippines, Inc., na nagsimula na ng clearing operations sa bayan ng Penaranda sa Nueva Ecija, sinabi ni SPNEC Vice Chairman Leandro Leviste nitong Enero 1.
Mahigit sa limang milyong solar panel ang ilalagay, o bubuuin ng 3500 MW ng solar panels at 4000 MWh ng battery storage, na tinatayang nagkakahalaga ng P200 bilyon.
“The first phase of the project is scheduled to be delivered by the first quarter of 2026. To meet this timeline, SPNEC is expediting its site clearing activities,” sabi ni Leviste.