Tinuligsa ni Pope Francis nitong Lunes, Enero 1, ang karahasan laban sa kababaihan, habang ang Italy ay nasa kalagitnaan ng national soul-searching sa kung paano iwaksi ang “culture of male chauvinism” na kadalasang nauuwi sa “femicide.”
Si Francis ay ilang ulit nang umapela na tuldukan ang karahasan laban sa mga kababaihan. Ngunit ang kanyang pahayag nitong Lunes, Enero 1, nagparamdam ng galit ang Santo Papa sa brutal na pamamaslang sa 22-taong gulang na estudyante na si Giulia Cecchettin noong Nobyembre.
“Every society needs to accept the gift that is woman, every woman: to respect, defend and esteem women, in the knowledge that whosoever harms a single woman profanes God, who was born of a woman,” ayon kay Pope Francis.
Nagbigay ng komento ang Pope sa isang homiliya ng isang Misa sa St. Peter’s Basilica noong araw na ipinagdiriwang ng Simbahang Romano Katoliko ang Kapistahan ni Maria, ang Kabanal-banalang Ina ng Diyos, na siyang World Day of Peace din ng Simbahan.
Sinabi ni Francis na ang mga kababaihan ay may mahalagang papel sa pagiging mga modelo para sa kapayapaan.
“The world, too, needs to look to mothers and to women in order to find peace, to emerge from the spiral of violence and hatred, and once more see things with genuinely human eyes and hearts,” ani ni Pope.