Kasama sa bagong nilagdaang 2024 national budget ang pagpopondo sa tatlong bagong barko para sa Philippine Coast Guard (PCG) na gagamitin sa pagpapatrulya sa West Philippine Sea, inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Miyerkules, Disyembre 20.
“Sa security cluster, umabot ng almost P10.2 billion ang nadagdagan. We’re buying three big ships for the Coast Guard,” ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.
“Ang plano po namin ni Presidente, kausap ko po si pangulo, ang plano po ay gawin na po natin ito dito sa Pilipinas. There’s an Australian company that builds Australian navy ships, Austal, they’re based in Balamban, Cebu. They’re looking to be awarded this budget for ship construction para sa ganoon, Pilipino na po ang gagawa ng mga barko na magdedepensa sa West Philippine Sea,” sabi ni Zubiri.
Ang 2024 budget, na niratipikahan ng Kamara at Senado noong Disyembre 11, ay mas mataas ng 9.5 porsiyento kumpara sa P5.268-trillion national budget ngayong taon.
Nagpasalamat si Zubiri kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpirma ng budget sa oras.
Binigyang-diin niya ang pagtaas ng budget ng Philippine Coast Guard na naglalayong ipagpatuloy ang mga hakbang para maprotektahan ang teritoryong karagatan ng bansa.
“We are proud to have produced what I think is the best budget we have seen in years, with a good balance of social services, infrastructure development, and of course defense and security—including a much-deserved increase in the budget of our Coast Guard, who are at the frontlines of our continued efforts to protect our sovereign rights in the West Philippine Sea,” ani ni Zubiri.
”We are also proud to reflect the people’s concerns about confidential funds, by making the 2024 budget more transparent and our government agencies and offices more accountable in their spending,”dagdag ni Zubiri.