Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang P5.768 trillion government budget para sa taong 2024 sa seremonya na ginanap sa Malacanang ngayong Miyerkules, Disyembre 20.
Nilagdaan ng Punong Ehekutibo ang General Appropriations Act of 2024 isang linggo matapos ito aprubahan ng Kongreso ang pinagkaisang bersiyon ng panukala hinggil dito.
Kabilang sa mga dumalo sa signing ceremonies ay sina Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno.
“Today we sign the national budget of the government, the instrument how the taxes paid the people will be returned to them. And in effect, we are signing our annual social contract with the tax payers,” pahayag ng Pangulo.
“That what they have paid faithfully will be rebated to them in full,” dagdag ni Marcos.
Aniya, ang 2024 National Budget ay magiging sandata ng gobyerno sa isang “battle plan” upang labanan ang kahirapan at problema sa illiteracy sa bansa.
Mahalaga rin ito, ani Marcos, sa pagbibigay proteksiyon sa teritoryo ng bansa laban sa mga nagtatangkang manghimasok dito.
Bukod dito, ito rin ang kanilang instrument sa paglilikha ng karagdagang job at livelihood opportunities.
“It is wrong to say that the budget merely pays for the overhead of the bureaucracy. It is more than that,” ani Marcos,” it funds the elimination of problems our nation must overcome,” paliwanag niya.
Tiniyak din ng Pangulo na gagamitin ang naturang pondo sa pagkukumpi ng mahahalagang imprastraktura tulad ng mga paaralan, tulay at kalsada para mapabuti ang buhay ng mga Pinoy.