Sa kanyang mensahe sa paggunita ng OFW Family Day ngayong Miyerkules, Disyembre 20, binigyang halaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang seguridad at kaligtasan ng mga Pinoy na nagtatrabaho abroad.
Kabilang sa mga programa na isinusulong ng gobyerno para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) ay ang “One Repatriation Command Center” bilang 24/7 hotline para sa mga OFW na nangangailangan ng tulong, mula rescue o repatriation hanggang sa counseling at legal assistance.
Sinusuportahan din ng gobyerno ang mga OFWs na nais nang bumalik sa bansa upang magtrabaho at hindi na muling iiwan ang kanilang pamilya.
Kabilang sa mga assistance program ay ang Livelihood Development Assistance Program, Balik Pinas, Balik Hanap-buhay, Financial Awareness Seminar-Small Business Management Training, Enterprise Development Loan Program, at Tulong Pangkabuhayan sa Pag-unlad ng Samahang OFWs.
“Marami pang proyekto ang nakapila, at kahit ang mga kasalukuyang programa ay pagagandahin pa natin. Umaasa po akong susulitin ninyo at gagamitin ng wasto ang mga benepisyong ito,” anang Pangulo.