Walang nilulutong impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
“Wala kaming plano po saka wala pang nakalatag na ano, complaint kaya wala pong–bakit naman ginagawan ng isyu,” ani Romualdez
Umugong ang usap-usapan na sa pagbabalik sesyon ng Kamara sa susunod na taon ay tatrabahuhin ang reklamong impeachment laban sa bise presidente subalit nilinaw ni Romualdez na walang ganitong hakbang mula sa kanilang hanay.
Paliwang ni Romualdez, bagamat may ilang miyembro umano ng Makabayan bloc na may mga binitiwang pahayag laban sa bise pero wala pa namang inihahaing reklamo.
Mas nakatuon aniya ang kanyang liderato sa 2024 National Budget na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bukas.
Sakaling umanong may maghain ng impeachment complaint, dadaan ito sa proseso dahil ang nag-eendorso lamang ang Kamara ng ganitong uri ng political move.
“Hindi naman nag umpisa sa atin , dagdad ni Romualdez.
Nananatiling mataas umano ang respeto nito kay Duterte bilang ikalawang Pangulo at kalihim ng Department of Education, at itinuturing pa rin niya itong kaibigan.