Ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ay nagsusulong para sa pagpapalawig ng operating hours ng MRT at LRT trains ngayong Kapaskuhan.
“We’ll coordinate sa DOTr para ma-extend ang MRT and LRT saka providers, lalo na sa bus carousel para may masakyan ang ating mga kababayan,” ayon kay MMDA Acting Chairman Don Artes.
Sinabi ng MMDA na makikipag-ugnayan sila sa Department of Transportation (DOTr) para sa extended operating hours ng MRT at LRT upang matugunan ang mga manggagawa at mamimili sa mall dahil sa mas mahabang oras ng mall.
Sinabi ni Artes na nakahanda rin ang MMDA na pangasiwaan ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko habang papalapit ang Pasko.
“Nung weekend as expected bumigat and daloy ng traffic pero ang nagkaroon talaga ng tukod ng traffic ay sa (South Luzon Expressway) at (North Luzon Expressway) pero within Metro Manila, di naman nangyari yan. Napaghandaan natin, napagplanuhang mabuti,” sabi pa ni Artez.
“Na-manage naman natin properly yung traffic sa Metro Manila. Naging problema yung SLEX at NLEX napakarami ang lumabas,” ani ni Artez.
Sinabi ni Artes na handa na rin ang ahensya sakaling magkaroon pa ng transport strikes dahil sa nalalapit na deadline para sa konsolidasyon ng mga PUJ.
“Kung dadami o hindi, kami ay handang tumugon sa anumang sitwasyon na magiging epekto ng idineklarang strike, kami ay handa na asahan nyo na pipilitin namin ang amibg makakaya,” dagdag ni Artes. “Wala pong paralisasyon ng pampublikong transportasyon. May kaunting epekto pero minimal naman at natutugunan naman natin.”