Nagbabalala ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko laban sa ‘parcel scam’ ngayong panahon ng kapaskuhan.
Modus umano ng sindikato na tawagan ang kanilang mga biktima o magpadala ng text o email para sabihin na may package o parcel silang nakabin¬bin sa Bureau of Customs (BOC) kaya kailangan nilang itong tubusin.
Hihingin ng scammer ang personal bank account ng biktima na gagamitin umano sa money remittance para mailabas ang na-hold na padala. Mayroon din umanong mga magpapangap na mga empleyado ng BOC
Nilinaw ng BOC na kung may padala ay maaari gawin ang pagbabayad ng buwis sa kanilang cashier o sa pamamagitan ng Authorized Agent Bank.
Maaari ring makipag-ugnayan sa BOC para malaman kung tunay at hindi peke ang tinanggap na resibo, tracking number at iba pang dokumento.
Para makasigurado maari i-beripeka muna sa website ng Department of Trade and Industry (DTI) kung accredited ang tumawag na courier o forwarder.