Ang Philippine National Police Firearms and Explosives Office (PNP FEO) nitong Miyerkules, Disyembre 14, ay naglabas ng listahan ng mga ipinagbabawal na paputok, ilang linggo bago ang pagdiriwang ng Araw ng Pasko at Bagong Taon.
“Yung Firecrackers Law natin penalizes the illegal manufacture, sale, distribution and use of firecrackers. So pag nag-violate tayo doon, ang penalties ay around P20,000 to P30,000, and/or imprisonment of 6 months to 1 year or both upon the discretion of the court,” ayon sa PNP-FEO.
Ayon sa PNP FEO, ang mga paputok ay dapat lamang magkaroon ng maximum na 0.3 gramo o 1/3 kutsarita ng pulbura. Ang fuse ay hindi rin dapat masyadong maikli o masyadong mahaba.
Ang mga sumusunod na firecrackers na ipinagbabawal:
- Watusi
- Poppop
- Five star
- Pla-pla
- Piccolo
- Giant bawang
- Goodbye bading
- Goodbye philippines
- Atomic bomb
- Super lolo
- Hello colombia
- Judas’ belt
- Giant whistle bomb
- Atomic triangle
- Mother rocket
- Goodbye Delima
- Goodbye Napoles
- Coke-in-can
- Super Yolanda
- Pillbox star
- Kabasi
- Hamas