Inaprubahan na ng Asian Development Bank (ADB) ang $2.1 bilyong pautang para sa pagkukumpuni ng 32.15 kilometrong tulay na mag-durugtong sa Bataan at Cavite.
Ang climate resillient bridge ay itatayo sa ibabaw ng Manila Bay ay naglalayong mabawasan ang trapik sa Metro Manila at paunlarin ang ekonomiya ng Bataan, Cavite, at mga kalapit na probinsya.
Sinabi ni ADB Vice President for East and Southeast Asia and the Pacific Scott Morris ang proyektong ito ang magdadala ng pagbabago ng economic landscape sa Gitnang Luzon.
Ayon kay Morris, magbubukas ito ng mga oportunidad sa kalakalan, manufacturing, industrial output, kasama pati ang turismo.
Bahagi ng flagship project ng administrasyon ni Marcos, ang Bataan-Cavite Interlink Bridge na magbibigyan ng pinakabago at pinakamalawak na suportang ibinibigay ng ADB para patatagin ang urban at regional transport network.
Ang inisyal na pondo ng ADB-BCIB project ay nagkakahalaga ng $650 milyon na bahagi ng multi-tranche financing facility nito.