Nagpapatuloy ang pagbuhos ng suporta sa Pilipinas ng iba’t ibang bansa sa naganap na pambu-bully ng China Coast Guard sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at resupply boats nito sa Ayungin Shoal at Bajo de Masinloc nitong weekend.

“We are very appreciative of the fact that many countries have actually expressed their support for the Philippines,” pahayag ni DFA spokesperson Assistant Secretary Ma. Teresita Daza.

Sa press briefing na ginanap ngayong Lunes, Disyembre 11, sinabi ni Daza na kabilang sa mga nagpahayag ng suporta ay ang France, United States, Japan, Ireland, Australia, Canada, Denmark, Germany, The Netherlands at United Kingdom.

“Because these incidents are actually serious. Not only because they rammed and caused damage to our vessels and caused harm to those manning them but because they do not contribute to peace and security in the region,” giit ni Daza.

Samantala, pinaghihinay-hinay ni Daza ang iba’t ibang sektor sa panawagang ideklara na ang Chinese ambassador sa Pilipinas bilang “persona non-grata” bunsod ng panibagong insidente ng pambu-bully sa West Philippine Sea.

“In terms of diplomatic options that are available in our country, there is a whole range of diplomatic actions – from summons to protests. But it is something that has to be seriously considered,” ayon kay DFA spokesperson Assistant Secretary Ma. Teresita Daza.

“I did not say ‘we are considering it.’ I said that is something that should be seriously considered whether it merits to have an ambassador to be considered a PNG,” ani Daza sa isinagawang punong balitaan ngayong Lunes, Disyembre 11.

Ito ay sa kabila ng mga panawagan na palayasin na ang Chinese ambassador sa Pilipinas dahil sa umano’y kabiguan nitong pigilin ang mga illegal activities ng China Coast Guard sa West Philippine Sea at patuloy na pagpipilipit sa mga tunay na pangyayari sa lugar.

Kabilang sa mga nagmungkahi sa pagpapatalsik sa Chinese ambassador ay si Sen. JV Ejercito na kanyang binitawan sa panayam sa programang “Strictly Confidential” ng Pilipinas Today kamakailan.