Ibinahagi ni Armed Forces chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang kanyang naging karanasan nang gitgitin at banggain ng China Coast Guard ang kanilang resupply boat sa Ayungin Shoal noong Linggo, Disyembre 10, ng madaling araw habang sila ang patungo sa BRP Sierra Madre.
Sa panayam ng DZBB, noong Sabado pa lang habang sila ay naglalayag papunta sa BRP Sierra Madre ay ginigitgit na sila ng mga barko ng CCG. “They started shadowing us around 4am. Halos ang lapit lang po ng pag-shadow ng (Chinese vessels) ay 500 meters, naging 200 meters hanggang 100 meters,” ani Brawner.
Saluduhan ni Brawner ang kanyang mga kasamaha sa Unaizah Mae 1 dahil ipinamalas nila ang kanilang katapang at determinasyon na makarating sa BRP Sierra Madre sa kabila ng walang tigil na pambubuli na inabot nila mula sa mga China vessels.
“General Brawner is the first sitting AFP Chief of Staff to have set foot on the ship. During their journey, he experienced firsthand the risks faced by the regular resupply missions as the China Coast Guard and its maritime militia continue their attempts to obstruct said missions,” ayon sa post ng Philippine Navy sa social media.
Lulan ng Unaiza Mae 1 na binomba ng water cannon ng CCG nitong Linggo, Disyembre 10, hindi natinag si Brawner at kanyang mga kasamahan sa pambu-bully ng China vessels sa paghahatid ng basic supplies at maiparating ang Christmas message ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mga sundalo na nagmamando ng BRP Sierra Madre.
Ang BRP Sierra Madre ay sadyang ipinosisyon sa Ayungin Shoal noong 1999 sa utos ng noo’y Pangulong Joseph Ejercito Estrada para magsilbing outpost ng Philippine Marines laban sa mga panghihimasok ng foreign vessels sa teritoryo ng Pilipinas.
At si General Brawner ang unang AFP chief of staff na nakarating sa BRP Sierra Madre sa kasaysayan ng militar.