Lilipad patungong Tokyo, Japan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Disyembre 15 upang lumahok sa ASEAN-Japan Commemorative Summit kasabay ng pagdiriwang ng 50th Year of the ASEAN-Japan Friendship and Cooperation.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Daniel Espiritu, aalis ng bansa ang Pangulo sa Biyernes, Disyembre 15, patungong Japan.
Aniya ni Espiritu, makikipagpulong din si Marcos sa mga business leaders sa sidelines of the Summit.
Magkakaroon din ng bilateral sina Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa naturang okasyon, sabi ni Espiritu.