Ayon sa MERALCO, dahil sa pagbaba ng presyo ng kanilang binibiling kuryente mula sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM, magkakaroon sila ng bawas-singil ngayong Disyembre.


InanunsIyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na magkakaroon ng bawas-singil sa kuryente ngayong Disyembre.

Dahil dito, may bawas na 80 sentimos kada kilowatt hour sa buwanang bayarin ng mga household sa MERALCO franchise area.

Para sa 200 kilowatt hour, P159 na bawas, habang P398 naman para sa 500 kilowatt hour.

Gayunpaman, paalala ng MERALCO na maging responsable sa konsumo ng kuryente lalo na ngayong holiday season.

Ulat ni April Steven Nueva España