Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang may 9,898 gramo ng shabu na may street value na P67,306,400 na nasamsam sa isang cargo warehouse malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Customs authorities, idineklara ng hindi pinangalanang consignee, kontrabando na galing Mozambique, South Africa na dumaan sa Hong Kong sa pamamagitan ng Ethiopian Airlines flight number ET644 na dumating noong Disyembre 2.

Ang naturang shipment ay nadiskubre ng mga awtoridad sa Paircargo Warehouse sa Pasay City nang ang mga ito ay isalang sa profiling, x-ray screening, at physical examination ng pinagsanib na puwersa ng BOC, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interiction Task Group.

Naaresto ng composite team ang umano’y consignee nito habang kinukuha ang parcel kung saan ikinubli ang shabu. Ang naturang package ay padala para sa kanyang kaibigang babae. ayon sa ulat.

“The public is warned to be more aware of the variations of the love scam, where smugglers of illegal drugs use their Filipino partners to serve as couriers. Our laws are very clear that whoever is identified as the owner of the shipment remains under the pain of imprisonment if found to be in violation of the rules,” ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Nahaharap ang consignee sa kasong paglabag ng Anti-Illega Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act.