Pinalalawig ng ilang shopping malls sa Metro Manila ang kanilang operating hours habang papalapit ang Pasko.

“Ngayon kasing week na ito, as it is, hanggang 11 (o’ clock) tayo, but approaching next week na, starting December 15 hanggang December 23, extended na po tayo until twelve midnight,” ayon kay Miguel Gaspi, manager ng isang mall sa Quezon City.

Ayon kay Miguel Gaspi, manager ng SM North EDSA, bukas sila hanggang hatinggabi mula Disyembre 15 hanggang Disyembre 23, na magbibigay ng mas maraming oras sa publiko upang mamili, makasama ang pamilya at mga kaibigan.

“We have a lot in store for our customers. We have our Christmas centerpiece, this has a unique train ride experience, it is like travelling to Japan, Italy, UAE,” sabi ni Gaspi.