Niyanig ng 5.9 magnitude na lindol ang timog-silangang bahagi ng Occidental Mindoro nitong Martes, Disyembre 5, ng hapon.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lindol ay naramdaman dakong 4:23 ng hapon.
Ang lindol ay may tectonic origin ay may lalim na 79 kilometro. Naramdaman din ang lindol sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, kabilang ang Quezon City, Makati, Bicutan, Taguig at iba pa.
Inaasahan naman ang pagkakaroon ng aftershocks ng lindol.
Sa ngayon patuloy pang inaalam ng Phivolcs kung gaano kalawak ang pagyanig at kung ano-anong mga lugar ang nakaramdam nito.
Sa Quezon City, pinababa ang mga estudiyante ng isang private school sa Fairview dahil sa lakas ng pagyanig. Pansamantala ding ipinatigil ang biyahe ng mga train sa MRT-3 dakong 4:26 ng hapon.
Ulat ni Baronesa Reyes