Sa deliberasyon ngayon Martes, Disyembre 5, ng Commission on Appointment sa ad interim appointment ni Dr. Ted Herbosa bilang secretary ng Department of Health, nilinaw nito na walang outbreak ng pneumonia gaya ng nangyari sa China dahil hindi ito bagong virus kundi pangkaraniwan lamang na microplasma pneumonia.


Ayon kay Herbosa bagamat tumataaas ang mga kaso ng pneumonia ay hindi raw ito kakaiba lalo’t panahon ngayon ng mga respiratory illness sa bansa. Kailangan lang umano ng ibayong pag-iingat at pagsunod sa mga protocol gaya noong panahon ng COVID-19 pandemic.

“Not only in China but also in Europe may mga reported increase in respiratory illness in children attributed sa hindi bagong virus, kundi sa mycroplasma pneumonia. “ ani Herbosa

“Sa Philippines po wala pang outbreak , eto po tala season ng respiratory illness . Yung natutunan natin nung COVID yung social distancing , tsaka pag suot ng facemask , cough etiquette para hindi magkahawaan. Pag maysakit ang bata wag na papasukin para hindi makahawa ng ibang bata sa eskwelahan” dagdag pa Herbosa.