Labing-isang climber ang natagpuang patay habang 12 iba pa ang nawawala matapos ang pagsabog noong weekend ng Merapi Volcano sa Indonesia ngayong Lunes, Disyembre 4, ayon sa isang opisyal,
Tatlong katao na nakaligtas habang natagpuan naman ang bangkay ng 11 climber, sabi ni Jodi Haryawan, spokesperson ng local search and rescue team.
Natagpuan ang tatlong karagdagang mga survivor kasabay ng pagkakahanap sa mga bangkay ng 11 climber, kabilang ang 75 iba pang turista na naroroon sa lugar noong sumabog bulkan, ayon kay Jodi Haryawan, spokesperson ng local search and rescue team.
Ang bulkan na may taas na 2,891 metro ay sumabog noong Linggo, nagbuga ng abo na umabot hanggang 3 km (9,843 ft) sa himpapawid. Pinaigting ng mga awtoridad ang babala sa pangalawang pinakamataas na antas at ipinagbawal ang mga residente na pumunta sa loob ng 3-km (1.86 mile) mula sa bibig ng bulkan.”